Wish Ko Lang

18Mar06

Kapapanood ko lang nga Wisk Ko Lang sa channel 7. Pinag kunwari nila si Pekto, isang komedyante, na isang taong may sakit sa paa at hindi hindi halos makalakad. Pinapunta nila si Pekto sa paanan ng overpass sa Muñoz, Quezon City. Dito nang hingi siya ng tulong sa mga nagdadaan sa pag-akyat at pagtawid ng overpass. Hindi ko alam kung gaano katagal naghintay si Peklto at ang channel 7 sa pathihintay ng mga mabubuting loob na tutulong kay Pekto pero sa palabas ay dalawa ang nagbigay sa kanya ng panahon.

Ang una ay si Aling Alda, isang nurse, hindi niya nakayang tulungan si Pekto na tumawid sa overpass ng mag-isa pero kinausap niya ito at binigyan ng pera.

Ang pangalawang tumulong kay Pekto ay si Mang Edward, sa simula ay kinausap niya si Pekto pero hindi rin niya mai-akyat si Pekto sa overpass dahil sa naoperahan siya sa baga. Subalit makikita mo ang pag-aalala niya dahil naghintay siya habang humihingi si Pekto ng tulong sa iba pang tao. SA huli, hindi rin niya natitis si Pekto, nagbayad siya ng dalawang tao para tulungang i-tawid si Pekto, at hindi niya sinabi kay Pekto ang ginawa niya, kunwari lang ay hiningan niya ng tulong yung dalawa at pumayag na tulungan si Pekto.

At ang lalaong nakakataba ng puso ay nang dinalaw ng channel 7 ang bahay nina Mang Edward, makikita mo na hindi naman sila ginhawa talaga sa buhay. Walang kuryente ang bahay nila, ang ikinabubuhay nila ay isang maliit na karinderya at sari-sari store. Tumulong si Mang Edward sa isang tao na hindi niya kilala, gumastos siya ng pera na maski na hindi ganoon kalaki ay malaking tulong din sa pamilya niya.

Nakakbuhay ng loob kapag nakakapanood ka ng mga ganito, isang konkretong katunayan na maski na naghihirap ang mga Pilipino, hindi nawawala ang kawang-gawa sa puso ng mga tao.

Advertisements


No Responses Yet to “Wish Ko Lang”

  1. Leave a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: